Home

Advertisement

I AM A ROMANCE WRITER

  • Dec. 10th, 2008 at 10:32 PM

Habang ang mga kakaklase ko sa elementary ay nagbabasa ng Alamat ng Mangga, na-realize ng teacher  ko na hindi ko lang nabasa kung hindi nakabisado ko na lahat ng alamat sa aming libro. 

Sabi niya sa akin, subukan ko raw magbasa ng mga english novels para maging magaling akong mag english. Now that I think about it, she was probably thinking Dickens or St. Exupery. Kaso ang novels na nasa bahay namin ay mga Mills and Boons ng tita ko na accountant sa FF Cruz. Kaya ang unang nobelang nabasa ko ay "North of Capricorn." Luckily, hindi ko naitindihan lahat ng nakasulat sa libro kasi may love scenes pala 'yun. Di ko na-gets. At any rate, ipinanganak ang hilig kong magbasa sa north of capricorn. Mula noon, kahit ano binabasa ko. Pati labels ng gamot at saka iyong nakatuping instruction sa loob. At kapag wala na akong mabasa, napipilitan akong magsulat para may babasahin ako ulit.

When I started writing professionally, I wrote press releases for concert artists. Tapos nag contributor ako sa isang english magazine as "my other job". I mostly wrote about product launches, events and movie/theater reviews. Pero  minsan, nagpa contest 'yung magazine ng love story writing contest. Marami namang nagpadala kaya lang parang wala silang magustuhan. Sabi nung mga staff writers, magsulat daw ako baka sakaling makapasa. Isinulat ko iyong love story ng besfriend ko. Nanalo ako ng second place. Ang premyo ay isang set ng mamahaling bra at panty mula sa sponsors, bath soap at iba't ibang  household stuff na pinamigay ko sa mga officemates ko. Mula noon ilang short love stories ang naisulat at na-ipublish ko. Tapos naging busy na ako kaya hindi na ako makapag contribute.

I moved on.

Minsan habang naglalakad ako sa National Bookstore  dinampot ko ang isang tagalog romance out of curiosity bilang maraming tumatambay ng hapong iyon sa sectiong iyon. Tapos nabasa ko iyong imbitasyon para magsulat ng nobela. Sabi ko, kaya ko siguro ito. Kinopya ko lahat ng telephone number ng lahat ng publishers at saka yung requirements. 

At nagsimula akong magsulat.

Kaso nung magsa-submit na, na-insecure ako (ng bonggang bongga). Kaya ang ginawa ko sinubmit ko sa dalawang publishers para mas mataas ang chances na matanggap. Unang tumawag iyong isang publication pinakausap ako sa editor, may mga minor revisions lang daw saka kailangan kong magsulat ng blurb. E kaso wala talaga akong oras na mag-revise o magsulat ng blurb kaya pinostpone ko muna. Wala pang dalawang araw, tumawag yung isang publication. Okay na raw manuscript. Sabi ko sa publisher "Oh no. I also submitted to the other publisher tapos natanggap din. How do you deal with this?"
 
Napagalitan ako nung publisher. Hindi raw maganda ang ganoon.
 
Sabi ko, "Sorry na. Di ko talaga alam how these things work. I just want not to be rejected."  Seriously, malay ko ba namang dalawa silang tatanggap eh nahihilo na nga ako sa pagka-insecure.

Anyway, pinili ko iyong isang publisher kasi sila na ang magsusulat ng blurb at wala akong kailangang sulating revision. Hindi po ako tamad. Sobrang busy lang talaga.

Naka 5 0 6 na libro na yata ako mula noon. Pero tuwing magsa-submit na-iinsecure pa rin ako. Hindi yata mawawala iyon. Hanggang ngayon rin, ang  original title ng mga libro ko ay UNTITLED 01, 02, ets. Dependent pa rin ako sa napaka-understanding kong editors para magbigay ng titulo. So far sa 5 o anim na libro 1pa lang yata ang wala silang pinalitang pangalan o apelyido ng mga characters.

Where I work, hindi masyadong cool maging romance writer. Extremes lang ang pasado. Dapat play ang sinusulat mo o kaya poetry o kaya naman business proposal at marketing plans. Iyong dalawang huli ang mas malimit kong gawin. Pero hindi naman katakatakang mauwi ako sa pagsusulat ng romance novel. Lumaki ako sa Mills and Boon tapos panahon ko ng mauso ang Sweet Dreams at Sweet Valley High.

 At mahilig akong magkuwento. Minsan nga lang tinatamad akong magsalita. Kaya sinusulat ko na lang.



Profile

[info]mywritingspace
myhappyplace

Latest Month

December 2008
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031   

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com
Designed by [info]chasethestars